Pages

Saturday, August 27, 2016

THE TRADING PLAN



The trading plan
BY: GUILLEN ROCHER

AUGUST 26, 2016





“Every battle is won before it is ever fought.”
-       Sun Tzu, The Art of War



Like in every battle before they set their feet on the battleground, planning is indispensable. Fail to Plan and you Plan to Fail.

I will not make it very formal. Simple as may sound, a Trader needs a Trading plan. Before he sets his feet on the trading floor of the market, he must have a game plan.

That is why most of the time you will hear or read this,

"Plan your Trades and Trade your plan."


(excuse me, gusto ko talaga taglish wink wink  )


*What does it mean?

Plan your Trades- 


Ang sabi planuhin mo daw ang Trades mo. 
Sabi ng trader "Pinaplano ko naman ahh, ei wala talagang olats"..
Waahh, di yan meaning ko...
Olats ka, kasi pasok ka ng pasok, joke.. 

Ganito yan, napansin ko ang daming newbies or gusto pumasok sa market ang gusto nila agad or ang target nila is magtrade. Dale tayo dyan, may recipe for disaster #1 ka na agad. Surebol yan.. Gusto instant money ahh. 


piso mo gawin natin pamaypay lols



Trading di po ganun kadali, kung may nakikita man kayo dyan na marami nagpopost ng gain. For sure yan, dumanas ng maraming heartaches yan sa trading, bago natuto, bago kumita. Latest na pm sakin is, nagbenta ng kalabaw (iniba ko yun term) then gusto magtrade nanghihingi ng advice sakin ano daw magandang bihin. Nagulat talaga ako sa tutuo lang. Wag po ganun, although hindi ko kayo paglokohin, nagkakamali po ako. Di ko po kaya desisyunan mga ganyang bagay at kahit yung nagaask sakin ano magandang bilhin, kita nyo po hindi ko kayo sinasagot ng diretso. 

Kasi ganito po yan, kahit matsambahan natin yun stock na aangat this week, alam mo ba kung ano gagawin mo kung sakaling tumaas yun? Ang dami ko ng experience about a friend na nagask sakin, then kapag tumaas after trading ask ko sya 

Me: Tumaas na yun stock natin, kumita ka ba? 
Friend: Haaa, bentahan na ba yun?
Me: Bakit ano ba gusto mo, pangita na ayaw mo pa..
Ano pa hinihintay mo dun, pasko?
Friend: Akala ko tataas pa ei...

Juice colored!!!

Nakita nyo po ba meaning ko. Hindi marunong magExit or pwede din Greedy masyado. My bad also. Kasi yun Trading plan ko is maaring iba sa trading plan nyo. Kahit gaano pa kaganda ang Entry if di kayo marunong magExit wala din kwenta yan. Non sense lang ang pasok nyo at stock pick. 

Kaya kung nakita nyo sa mga Chart observation natin hindi ko sinasabi na bilhin nyo ito, dito, ganito, ganun. Sinasabi ko lang sa inyo mga nakita ko sa chart, probabilities. Pero sa huli sa inyo lahat ng desisyon. Kaya naman talaga pursige ako na makapagturo, para may mga basis kayo sa pagpili at pagbili. Segway lang yan ng onti hehe..

So ganito yun.. Haba ng intro, di pa diretsuhin ei.. 
Eto na nga ei, so listen carefully. I mean read carefully. Kapag sinabi mong Plan ano pumapasok sa isip nyo? Sabi is planuhin mo muna daw. Eto ba yung reading some books, magaral ng Charting (investa bumalik ka na naman hihi..) , magopen ng account sa broker. Yan ba mga plano nyo? If  No sagot nyo, ay buti naman. Kasi hindi po yan tinutukoy ko. 

Sabi nila Trading is a Business. So kung business mo ito, dapat maging successful ka. Business plan, sa stock market tawag is Trading plan. So ano need sa Trading plan. Isulat mo ito dahil hindi mo pa gamay, di mo pa saulado.

Remember this, bago ka bumili ng kahit ano pang stocks yan dapat meron kang plano. Kung wala ka naman plano, di mo alam gagawin mo sa oras na bumagsak yun stock mo at magkagipitan na. Panic mode ka nyan tiyak. Tanong dito, tanong dun lang naman gagawin mo. Ayy naku po, wag mo na lang pasukin. Nagsusugal ka na kasi nyan ei.

Each trader should write their own plan.
For every trader there's a different character.
Different risk appetite, different stomach.
A good trader must have his own plan and strategy. 


So what are these;


1) ENTRY- Pasok mo, ano gagamitin mo signal sa Entry or pagbili mo ng stock.. It  might be a Moving Average, Fibonacci or any indicators you may use to have your signal of entry. It depends to the system you are using. Sharpen thy skills.


2) STOP LOSS or CUT LOSS level- Kapag nakapasok ka na sa stock and things don't go your bias, the trend is against you. Ano gagawin mo? Maghihintay ka na lang ba na maubos yun capital mo, dahil palaki ng palaki ang loss mo. Paano mo pipigilan yan, paano mo issave yun capital mo. Ganito, dapat bago ka pumasok is meron ka Cutloss point. Yun iba negative 5%, nagccut na sila, -8% naman sa iba. Sa iba kapag nabasag support, goodbye na. Wag mapride na ayaw magcut kasi di maamin sa sarili na nagkamali ng pasok. Ipipilit pa rin yun sa kanya. ALMA mode na 'tataas pa ito, ganyan lang talaga'.. Iba ang sideways, iba ang downtrend at iba ang healthy pullback. Ayan nalito na naman hehe... But seriously you must have a cutloss level. Di lahat profit taking, meron din talo at cutloss.


cut without mercy!!!


3) TARGET PRICE TP- So nakapasok ka na, kapag nagkamali at against sayo ang takbo ng stock mo alam mo na kung saan ang cutloss mo. Ei paano naman kung panalo yun stock pick mo. Ayan na, nashock na sa nakitang gain 1st time ba lools... Di alam if sell na or hold pa. Natulala sa gain, baka mamaya pera na maging bato pa yan. Di alam kung profit taking na. Depends ito sa system at indicators mo din, if bounce play lang ba yang laro mo, Gap up play or Resistance play then bentahan na. Kung di ka pa marunong sa ganyan matuto ng term na Sell when happy, Gain is Gain hanggang sa matuto ka.

sell when happy...



Magkaron ng Target price at kung meron ka nito, wag naman yun impossibleng presyo ang itarget mo. Baka nakabenta na lahat, nganga ka pa. Gain na, nasunog pa.

Walang nasusunog sa profit taking. Iba na maingat, mahalaga 
kumita ka. Iba din yun following the trend ha, wag na muna natin discuss yan. By the way may video ako nyan sa Youtube about following a trend.

So yun na nga, know your target price. Traders lengua; tsupit, kiss, mwah= profit taking na.


4) EXIT- Syempre kung pumasok ka, dapat may labasan din. Wag magbabad, lalo na kung tapos na laro. Example sa stock mo, kinabukasan may dumating na bad news ano ang strategy mo.. Ano exit plan mo? Lagi tandaan na its all about probabilities, anything could happen and change the scenario. Dapat handa ka kapag may mga ganyang pangyayari.

Sabi ko nga kanina is kahit gaano kaganda entry mo kung di ka naman marunong magExit, wala din yan. Exit, when you're satisfy, exit when you're happy with your gain take a rest, exit agad kapag mali. 

This is just a sample by chart kung paano ginagawa yun plano, credits sa owner napulot ko lang kasi ito.


iba-iba bawat trader, for visual lang ito



Wag ubusin capital. Save your capital. Treat it as your life depends on it. Na kung di mo masave you will die, that's life right. 

Kung ang capital mo ittreat mo as your oxygen, as your life, ano gagawin mo.

Aba'y ingatan mo, gumawa ka ng paraan para mapahaba buhay mo. Have a healthy living. Ganun din sa capital mo sa trading, para lumago at humaba, kailangan mo ng skills. Yes, aral ka, yan ang need mo to survive this game, this battlefield. This is your weapon, your skills, so sharpen it always. Wala iba gagawa nyan kundi ikaw lang. To each his own here.

So may Plan your Trades ka na. Nakagawa ka na ng plano sa trading mo. Ano na next, ano na ang ganap? Baka isulat mo lang yan at titigan, di yan magiging pera kahit titigan mo pa yan the whole trading day. Ano dapat;



TRADE YOUR PLAN


Ano ibig sabihin nun? Simple lang, sundin mo yung plano mo. Walang but's, walang what if, FOLLOW it. Simple as that. Be strict to your rules, have a discipline. Trading is all about, Mastering one's self, having a discipline.

You know what, habang tumatagal ka sa trading, lalo mo din nakilala sarili mo. Sabi nga trading is personal. It is between you and your port. Kahit magngangawa ka sa FB dahil naHype ka, eto katotohanan nyan. Ibig mo bang sabihin sa lahat is, pumasok ka ng trading ng wala ka alam. Wala kang armas, wala kang plano, tangay ka lang sa agos. Aba'y kung ganyan ka, prepare. Prepare for many losses, for many heart breaks. Kasi dami pa kasunod yan, sureness ko yan sayo. 




So kung ganito ka na ngayon, yan naging sistema mo, anong gagawin mo. Wag mo naman sayangin yung mga sinulat ko pa na iba. Nandyan lahat yan sa pinned post ng Empire. Tyagain mo din, kung paanong ako nagttyaga ako para magshare sa inyo. (yown ei, drama mo...)

Simple lang, ayaw ko sa lahat yung pinapahirapan buhay at 
ginagawang kumplikado. Planuhin mo at Sundin mo. Then after a trade, win or loss, review mo yung Trading plan mo. Kung may need ng improvement, dapat baguhin, review mo kung saan ka mahina, saan ka palagi nagkakamali. Palakasin mo yun bataan na yun, I mean yung part na yun.


Wag magkulong sa mga group chat at FB group at dun tanong ng
tanong hehehe. Okay lang magtanong ei, pero yun nakikita mo di pa din nagiimprove, ang tagal na natin dito ahh ganyan pa din..


Palaguin ang sarili, business ito, pagkakakitaan. Wag mo hayaan
malugi yun pera mo. Bakit gusto mo bang maging talunan kaya 
tatamad tamad ka. Wag ganun,, wink wink hehe… Advice ko lang naman po yan. Bato bato sa langit, kung may tamaan ei magising naman kayo hahaha…..



So yun na nga humaba na naman ako
Plan your Trades and Trade your Plan.
In short, PTTP.


Trading is not a quick rich scheme
Me, myself have my fair share of mistakes in the market. Na ayaw ko magcut, then sa huli magccut din pala, pinalaki ko lang damage ko. Yun mali ako pero ipipilit ko pa rin yun sakin. Tapos di ko alam gagawin ko. Nawawala tiwala ko sa sarili ko, yun confidence ko.


Di kayo nagiisa, kahit ngayon na marunong na ako. 
Madalas pa din bumisita sakin yan. Pero kahit ano mali ko, cutloss 
ko, di ako nanisi ng iba. Di naman ako bata ei, nun pinasok ko stock market malinaw sakin ang lahat. Na ako ang tanging responsable sa pera ko.


Ginawa ko habang nagkakamali ako, habang nauubos capital ko. Lalo ako nagaral, di ko tinigilan. Ayun,, hanggang ngayon nagaaral pa din ako hehe…


Kaya mo yan, magtiwala ka sa sarili mo.
Hindi ka talunan, diskarte lang kailangan mo.
Galingan mo pa…
Hanggang dito na lang, (ano to sulat haha)
Sana po tinapos nyo. Tyaga lang.
Keep dedicated, it won’t happen overnight.
Keep studying with dedication.








No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.